Inihayag ni Dennis Batocabe, panganay na kapatid ng pinaslang na mambabatas, na ang kanyang inang si Gertie ang hahalili sa kandidatura ni Rep. Rodel sa mayoralty race.
Rodel Batocabe FB Page
Biyuda ni Rep. Batocabe papalit sa mayoralty race
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ang biyuda ng pinas­lang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang magtutuloy ng pagkandidato nito bilang alkalde sa Daraga, Albay.

Inihayag ni Dennis Batocabe, panganay na kapatid ng pinaslang na mambabatas, na ang kanyang inang si Gertie ang hahalili sa kandidatura ni Rep. Rodel sa mayoralty race.

Nilinaw naman ni Dennis na maglalabas pa rin ng opisyal na pahayag si Gertie sa media hinggil sa desisyon, subalit nais lang nitong ipaalam na sa publiko lalo na’t matagal-tagal na rin itong hinihintay ng mga supporters ng yumaong mambabatas.

Kung maaalala, patapos na sana ang termino nito sa Kamara bilang mambabatas at tatakbo bilang alkalde sa Daraga subalit pinagbabaril sa isang gift-giving event kasama ang police escort noong Disyembre 22, 2018.

Samantala, makakatunggali nito sa naturang posisyon sina incumbent Daraga Mayor Carlwyn Baldo at incumbent Vice Mayor Victor Perete.

Una na ring isinailalim ng Commission on Elections ang bayan ng Daraga sa “Comelec control” dahil sa umano’y intense political rivalry na nagdulot ng pag-usbong ng karahasan.

RODEL BATOCABE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with