‘Angkas gawing legal’
MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng House Committee on Metro Manila Development sa Department of Transportation (DOTr) na gawing legal at i-regulate na ang operasyon ng motorcycle taxi o Angkas bilang isang public transport vehicles.
Sinabi ni committee chairman Quezon City Rep. Winston Castelo, na ginagawa na nila ang resolusyon na mag-aatas sa DOTr na payagan na ang pag-o-operate ng Angkas at ang pagbuo ng implementing rules ang regulations.
Sinabi ni Castelo na maaari namang kilalanin ng DoTR ang Angkas sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Department Order tulad ng ginawa nito sa mga Transport Network Companies(TNC) at Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Ngayon umanong na-establish na ligtas, mabilis at abot kaya ang Angkas at inaasahan ng libu-libong Filipino commuters kaya gumagawa na ang komite ng resolusyon na humihikayat sa DOT na agad payagan ang Angkas sa kanilang operasyon.
- Latest