^

Bansa

400 security escorts ng mga pulitiko tinanggal ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
400 security escorts ng mga pulitiko tinanggal ng PNP
Inihayag ni Alba­yalde na alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte ay dalawang pulis lang ang maaa­ring maging security detail ng mga kandidato na nangangailangan ng proteksyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinanggal ni PNP Chief P/Director Ge­neral Oscar Albayalde and 400 police security detail ng mga pulitiko at mga Very Important Persons (VIPs ) kaugnay ng midterm elections sa May 13, 2019.

Inihayag ni Alba­yalde na alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte ay dalawang pulis lang ang maaa­ring maging security detail ng mga kandidato na nangangailangan ng proteksyon.

Kailangan ding apru­bahan muna ng Commission on Elections (Comelec) ang paghingi ng security escorts bago sila bigyan ng PNP.

Ayon kay Albayalde, kung kailangang ma­ngampanya ang mga kandidato o dumalo sa mga political rallies ay kailangang makipag-koordinasyon ang mga ito sa mga himpilan ng pulisya kung saan gaganapin ang okasyon.

Nilinaw naman ng PNP chief na hindi dapat magkaroon ng maling interpretas­yon ang mga pulitiko na may paborito sa kanilang mga kalabang kandidato ang kapulisan.

Sinabi ni Albayalde na ang koordinasyon sa deployment ng mga pulis tulad ng area security ay upang hindi na maulit pa ang pamamaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at bodyguard nito na si SPO2 Orlando Diaz na pinagbabaril noong Disyembre 22, 2018 sa Daraga, Albay.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

VERY IMPORTANT PERSONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with