^

Bansa

PhilHealth scam nabisto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth scam nabisto
Sa deliberasyon ng panukalang budget para sa Department of Health (DoH), isiniwalat ni Sotto ang insurance fraud modus ng isang neurologist na naki­pagsabwatan umano sa ilang pagamutan kung saan siya nagsisilbi upang makakolekta ng pera mula sa PhilHealth.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Ibinuking ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang panibagong scam sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na kinasangkutan umano ng isang neurologist sa South Cotabato.

Sa deliberasyon ng panukalang budget para sa Department of Health (DoH), isiniwalat ni Sotto ang insurance fraud modus ng isang neurologist na naki­pagsabwatan umano sa ilang pagamutan kung saan siya nagsisilbi upang makakolekta ng pera mula sa PhilHealth.

“There is a neurologist in South Cotabato who collects money from PhilHealth fraudulently,” saad ni Sotto. 

Bahagi ng modus na umupa ng ilang pasyente para iko-confine sa pagamutan para makakolekta ng medical expenses.

Tinukoy ni Sotto ang doktor na si Dr. Mark Dennis Menguita, ng Koronadal City na sinasabing may mga kasabwat na pagamutan at ilang opisyal ng PhilHealth mula sa Region 12.

Kinumpirma naman ng PhilHealth sa pamamagitan ni Sen. JV Ejercito, sponsor ng panukalang budget, ang isiniwalat ni Sotto at kasalukuyan anya itong iniimbestigahan.

“Currently ongoing investigation. Balita ko matapang daw ang doktor na ito? tatapang pa ba sya kay Greg Honasan o kay Ping Lacson,” pagtatanong pa ni Sotto. 

Sinabi ni Ejercito na sandaling mapatunayang guilty ang neurologist sa alegasyon ay posibleng i-revoke ang kanyang lisensya.

vuukle comment

VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with