^
Pagtaas ng minimum fare sa jeep hiniling
Humingi ang Fejodap ng provisional authority kay LTFRB chairperson Martin Delgra III na magtataas ng minimum na pasahe mula P9 pabalik ng P10.
File

Pagtaas ng minimum fare sa jeep hiniling

(Philstar.com) - January 16, 2019 - 11:36am

MANILA, Philippines — Gustong ibalik sa P10 ang minimum na pasahe sa jeep ng isang transport group bunsod ng muling pagtaas ng presyo ng langis.

Ito ang ipinanawagan ni Zenaida Maranan, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations of the Philippines (Fejodap), sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa panibagong pagsirit ng mga presyo, lalo na ng diesel.

Umaabot na raw kasi ito ng P39 hanggang P40 kada litro, mas mataas ng P2.

Humingi ang Fejodap ng provisional authority kay LTFRB chairperson Martin Delgra III na magtataas ng minimum na pasahe mula P9 pabalik ng P10.

Ayon kay Maranan sa panayam sa radyo, para naman daw 'yon sa kanila kung kaya't dapat itong mabalik.

Hindi naman tumugon si Delgra nang tanungin tungkol sa apela ng grupo.

Matatandaang ibinalik ng LTFRB sa P9 ang minimum na pasahe noong Disyembre.

Masyado pa naman daw maaga humingi ng dagdag pasahe ayon kay Roberto Martin, pinuno ng Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association o Pasang Masda.

"Kaya pa naman namin ang kasalukuyang oil price increase," sabi ni Martin sa panayam sa telepono sa Ingles.

Aniya, hihiling lang sila ng fare hike kung umabot sa P44 ang presyo ng langis.

VAT sa langis

Inudyok ng isang consumer group ang gobyerno na aksyunan ang mga kumpanyang umaabuso raw sa pagsingil ng value added tax (VAT).

Sa sulat na ipinadala sa Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Antonio Lambino, sinabi ni Laban Konsyumer Inc. president Victorio Dimagiba na may VAT overcharging habang ipinatutupad ang ikalawang bahagi ng excise tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Kalakip nito ang dalawang resibo mula sa isang gasolinahan sa Barangay Fairview, Quezon City.

"Makikita sa computation namin na may VAT sa ibabaw ng VAT sa second tranche ng excise taxes, na nagresulta sa sobrang P0.025 kada litro na kailangang bayaran ng consumers," ani Dimagiba.

Nakasaad sa resibo na ibinigay ito ng ika-8 at ika-12 ng Enero noong P37.20 at P39.44 kada litro pa lang ang diesel.

May dagdag na excise tax para sa produktong petrolyo at VAT ang unang resibo, na nagresulta sa P2.24 kada litro.

Nanawagan ang grupong tanggalin na ang P0.24 VAT, dahil naisaad na ito sa nakaraang resibo sa P4.20 kada litro, kung kaya't nagbayad ang consumers ng dagdag na P0.025 kada litro ng VAT.

Umento sa sahod

Pinag-iisipan na ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na maghain ng petisyon para sa wage increase upang makaagapay ang mga manggagawa sa pagtaas ng mga presyo't bihilin bunsod ng TRAIN.

Binabantayan na raw nina TUCP president Raymond Mendoza ang paggalaw ng mga presyo matapos magpatupad ng dagdag singil ang mga kumpanya ng langis kahapon.

“We will be citing supervening conditions in filing the petition. We will test once again the capacity of the regional wage boards to remain relevant with its mandate to raise the minimum pay to an amount that can support a family (Magsa-cite kami ng supervening conditions sa paghahain ng petisyon. Susubukin naming muli ang kapasidad ng regional wage boards na ipatupad ang mandato nilang magtaas ng minimum na pasahod hanggang makasuporta ito ng pamilya,” sabi ni Mendoza.

Posibleng humingi ng P313 hanggang P355 na umento ang TUCP.

Sabi ni Mendoza, hindi sapat ang idinagdag na P8.50 hanggang P56 sa minimum wage sa 17 wage boards noong nakaraang taon. Hindi raw ito makapagbibigay ng disenteng pamumuhay sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

FARE HIKE JEEPNEY OIL PRICE HIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with