^

Bansa

Arroyo gumagamit ng medical marijuana

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Arroyo gumagamit ng medical marijuana
Ayon kay Arroyo, ito ang kanyang ipinanggagamot sa sakit niya sa kanyang cervical spine.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Aminado si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isa siya sa nagbenepisyo sa paggamit ng medical cannabis.

Ayon kay Arroyo, ito ang kanyang ipinanggagamot sa sakit niya sa kanyang cervical spine.

Naglalagay umano ng pain patch na medicinal marijuana si Arroyo sa kanyang cervical spine na sumasakit.

Paglilinaw naman ni SGMA, sa ibang bansa niya ito ginagawa kung saan pinapayagan ang paggamit ng cannabis para sa medical purposes at hindi rito sa Pilipinas dahil wala pang batas na sumusuporta rito.

Naniniwala si Arroyo na bukod sa kanya ay maraming may sakit ang matutulungan ng medical cannabis kaya isa rin siya sa may-akda ng panukalang inihain sa Kamara.

Inamin din ni Arroyo na kahit itinutulak niya mismo ang panukala para sa pagsasa-legal ng medical marijuana ay marami pa rin ang kontra rito.

Sa ngayon ay nasa ikalawang pagbasa na sa Kamara ang paggamit ng medical cannabis.

vuukle comment

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with