Nabatid na ipinatawag ni Central Visayas Police Director P/Chief Supt. Debold Sinas kahapon ng umaga ang mga pulis ng Daanbantayan Police Station, sa pangunguna ng hepe nito na si Senior Insp. Adrian Nalua, at saka inianunsiyo ang pagsibak sa kanila. Isinailalim din sa drug testing ang mga pulis at saka inilipat ng assignment.
Freeman Photo
Buong pwersa ng pulis sa Cebu mahina sa anti-drug, sinibak!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibak ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng pulis sa isang bayan sa Cebu City nitong Sabado, bunsod ng umano’y hindi magandang performance sa kanilang anti-drug campaign.

Nabatid na ipinatawag ni Central Visayas Police Director P/Chief Supt. Debold Sinas kahapon ng umaga ang mga pulis ng Daanbantayan Police Station, sa pangunguna ng hepe nito na si Senior Insp. Adrian Nalua, at saka inianunsiyo ang pagsibak sa kanila. Isinailalim din sa drug testing ang mga pulis at saka inilipat ng assignment.

Ayon kay Sinas, kaunti ang accomplishment ng mga pulis sa paghawak ng drug-related offenses, kaya’t sinibak niya ang mga ito. Nakapagtala lamang ng 11 drug related operations ang mga naturang pulis noong 2018.

Si Nalua, na inilipat sa Oslob police station ay papalitan sa pwesto ni P/Chief Insp. William Homoc, na may bitbit na 28 bagong police officers mula sa Regional Public Safety Battalion.

Ang iba pang sinibak na pulis ay ililipat sa Regional Public Safety Battalion at isasailalim sa “Moral Reco­very Program,” sa loob ng isang buwan.

Una nang tinukoy ni Pangulong Duterte ang alkalde nilang si Vicente Loot, na sangkot sa illegal drug trade, na mariin naman nitong pinabulaanan.

DEBOLD SINAS PNP CEBU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with