Nakikiisa ang dating kalihim sa panawagang ipatigil ang implementasyon ng dagdag na singil sa tubig sa paniniwalang malaki ang magiging epekto nito sa mga konsyumer.
Michael Varcas
Tolentino umapela vs taas singil sa tubig
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si dating Presidential Political Adviser Atty. Francis Tolentino na ikonsidera ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang naunang desisyon nitong nagpapahintulot sa dalawang water concessionaires na magtaas ng singil sa tubig pagpatak ng taong 2019.  

Nakikiisa ang dating kalihim sa panawagang ipatigil ang implementasyon ng dagdag na singil sa tubig sa paniniwalang malaki ang magiging epekto nito sa mga konsyumer.

“Dapat ipahinto ng MWSS ang implementasyon ng pagtaas ng singil sa tubig at muling pag-aralang mabuti ang mga naging basehan ng mga resolusyong kanilang nilagdaan. Mabigat na pasanin na para sa ating mga kababayan sa lungsod ang patuloy na pag-akyat ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at ngayon ay kabilang na ang mataas na bayarin sa tubig. Kapakanan ng mga konsyumer ang dapat na unang isaalang-alang sa usaping ito,” ani Tolentino.

Dagdag pa ni Tolentino, dapat na nagkaroon ng mas malalim na pag-aaral at malawakang konsultasyon hinggil sa pagtataas ng singil sa tubig.

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM WATER RATE HIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with