Aminado si Drilon na sobrang mahal ang mga political advertisements lalo na sa telebisyon kaya dapat aniyang mabigyan din ng pagkakataon ang mga walang pambayad na mga kandidato.
Ernie Peñaredondo
Libreng exposure sa walang perang kandidato, iginiit
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na bigyan ng pagkakataon ng media ang mga kandidatong walang pera na mabigyan ng exposure.

Aminado si Drilon na sobrang mahal ang mga political advertisements lalo na sa telebisyon kaya dapat aniyang mabigyan din ng pagkakataon ang mga walang pambayad na mga kandidato.

Sinabi ni Drilon na may responsibilidad din ang media na ipakilala sa publiko ang mga kandidato.

Idinagdag ni Drilon na may narinig din siyang isang kandidato na mababa sa survey kahit pa gumagastos na kaya pag-aaralan pa nito sa hanggang katapusan ng buwan kung itutuloy ang pagkandidato.

Hindi naman pinangalanan ni Drilon ang sinasabi niyang pulitiko na may posibilidad na iurong ang kandidatura.

FRANKLIN DRILON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with