Ito ay dahil nangangamba si Abu na maapektuhan ng budget fiasco, dahil sa umanoy isiningit na P332 bilyon na flood control projects sa Sorsogon, ang kanilang mga distrito na sinimulan na ang konstruksyon.
Pagpasa ng 2019 budget iniaapela
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa harap ng bangayan sa pagitan ng liderato ng Kamara at Department of Budget and Management (DBM), umaapela si House Deputy Speaker Raneo Abu sa mga kasamahan niya sa Kongreso na madaliin na ang pagpasa sa 2019 proposed national budget.

Ito ay dahil nangangamba si Abu na maapektuhan ng budget fiasco, dahil sa umanoy isiningit na P332 bilyon na flood control projects sa Sorsogon, ang kanilang mga distrito na sinimulan na ang konstruksyon.

Pangamba pa ng isa sa mga lider ng kamara na maaapektuhan ang panukalang 11-kilometer bypass road sa Batangas na pakikinabangan  ng mga residente mula sa bayan ng San Pascual, Bauan st Batangas City.

Sa ilalim ng nasabing proyekto ay iiksi ang  biyahe ng mga residente lalo na ang mga estudyante ng isa’t kalahating oras hanggang dalawang oras.

Kaya apela ni Abu sa mga kapwa mambabatas sa Senado na bilisan ang pag-apruba sa budget dahil papasok na ang election ban kaya bawal na ang mga infrastructure project at papasok na rin ang panahon ng tag-ulan dahilan para matengga ang kanilang mga proyekto.

2019 PROPOSED NATIONAL BUDGET DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with