Kuha ng pagbaha sa probinsya ng Camarines Sur noong ika-29 ng Disyembre.
AFP/ Rey Baniquet / Presidential Photographers Division
EU magbibigay ng P7.8-M ayuda sa Bikol
(Philstar.com) - January 10, 2019 - 3:29pm

MANILA, Philippines — Nangako ang European Union ng P7.836 milyon (€ 130,000) na tulong pinansyal para sa mga komunidad na naapektuhan ng nakaraang bagyong Usman.

Sinabi ng EU na 15,000 ang makikinabang dito sa mga probinsya ng Albay at Camarines Sur.

“This EU funding supports the Philippine Red Cross in delivering immediate assistance through the distribution of emergency relief items such as tarpaulins, blankets, sleep mats, hygiene kits and access to clean water,” ayon sa kanilang pahayag.

Magbibigay din ng tulong medikal, hygiene promotion activities, at cash grants ang EU sa 4,500 katao na makikitang pinakabulnerable.

Aabot sa 682,248 sa timog Luzon at silangan Visayas ang naapektuhan ng Tropical Depression Usman nang ragasain ang bansa ilang araw bago ang Bagong Taon ayon sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction Manageent Council.

Nasawi ang 126 katao bunsod ng mga pagguho ng lupa at pagbaha na idinulot ng sama ng panahon, 26 dito ang nawawala pa magpahanggang sa ngayon.

Iniulat din ng NDRRMC na pumalo na sa P948 milyon ang pinsalang naidulot nito sa sektor ng agrikultura habang P3.3 bilyon naman sa imprastruktura.

AID ALBAY CAMARINES SUR EUROPEAN UNION FLOODS TROPICAL STORM USMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with