Mga deboto sa taunang prusisyon ng Itim na Nazareno.
AFP/Noel Celis
600 nasaktan, sumama ang pakiramdam sa gitna ng traslacion
James Relativo (Philstar.com) - January 9, 2019 - 3:17pm

MANILA, Philippines — Humigit-kumulang 615 deboto na ang ginamot ng Philippine Red Cross sa prusisyon ng Itim na Nazareno ngayong Miyerkules.

Ayon sa ulat ng PRC kaninang alas-onse ng umaga, 469 sa kanilang inasikaso ang nagkaproblema sa presyon ng dugo, habang 134 naman ang naitalang nahirapang huminga, hinimatay, nagalusan, nagkapasa, at iba pa.

Walo naman sa mga kaso ang sinasabing malubha dahil sa pagkasugat, pagkahilo, at pinsala dulot ng mapurol na bagay.

Itinakbo naman ang mga pasyente sa pinakamalapit na ospital.

Nagsimula ang traslacion kaninang alas-singko ng umaga paglabas ng imahe ng Itim na Nazareno mula sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.

Maliban sa Philippine National Police, itinalaga na rin ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Red Cross para sa seguridad ng mga mamamanata.

Nasa 7,000 ang itinalagang security personnel sa kahabaan ng 6.15 kilometrong ruta ng traslacion. 

Ipinatutupad na rin ang "no vendor policy" at liquor ban kaugnay ng kapistahan.

Ipinagbabawal naman sa prusisyon ang pagdadala ng mga backpack, deadly weapons gaya ng baril, colored cannisters, at water jugs.

Related video:

BLACK NAZARENE INJURIES PHILIPPINE RED CROSS TRASLACION 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with