Una nang itinanggi ni Baldo ang mga alegasyon at sinabing dinudungisan lang ang kanyang pangalan.
Facebook/Carlwyn "Awin" Baldo
Daraga mayor utak sa pagpatay kay Batocabe - PNP
James Relativo (Philstar.com) - January 3, 2019 - 3:20pm

MANILA, Philippines — Pinangalanan na ng Philippine National Police (PNP) si Daraga mayor Carlwyn Baldo bilang "mastermind" sa pagpapapatay kay Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe. 

Sa isang press conference, sinabi ni PNP Director General Oscar Albayalde na kumuha ng anim na tao ang alkalde para itumba si Batocabe noong ika-22 ng Disyembre.

Nakatakda sanang tumakbo si Batocabe bilang mayor sa parehong munisipalidad. 

“From all indications as revealed by suspects and witnesses and physical evidence that was gathered by the police, the group that killed Batocabe and [Senior Police Officer 1 Orlando] Diaz is a private armed group employed by the mayor that is involved in contract killing as a gun for hire syndicate,” ayon sa hepe.

Nabanggit ni Albayalde na Agosto pa lang ay pinaplano na ang pagpatay sa mambabatas.

Isinampa na ang reklamong double murder at multiple frustrated murder laban kay Baldo at anim na iba pa. 

Hold departure order kay Baldo

Hiniling naman ng Senior Citizen party-list sa Department of Justice na patawan ng hold departure order si Baldo upang mapigilang lumabas ng bansa.

"Now that the murder and frustrated murder charges have been filed against the Daraga mayor, the DOJ has enough basis to have the hold departure order issued against him," ayon kay Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol Jr.

Korte lamang ang maaring maglabas ng hold departure order na nag-uutos sa Bureau of Immigration na pigilang umalis ng bansa ang isang may kasong kriminal. 

Ikinatuwa naman ng party-list ang aksyon ng pulisiya.

"I congratulate the PNP on the speed and thoroughness of its investigation into the assassination," sabi ni Datol.

Una nang itinanggi ni Baldo ang mga alegasyon at sinabing dinudungisan lang ang kanyang pangalan.

Related video:

AKO BICOL PARTYLIST ALBAYALDE ASSASINATION BALDO BATOCABE DARAGA PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with