Pagtutol ng grupong EcoWaste Coalition sa basurang inangkat ng South Korea sa bansa.
Facebook/EcoWaste Coalition
6,500 toneladang basura mula Korea ibabalik ng Pinas
James Relativo (Philstar.com) - January 2, 2019 - 2:00pm

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at South Korea sa "repatriation" ng 51 container ng basura sa Misamis Oriental pabalik ng Pyeongtaek City.

Posibleng sa ika-9 ng Enero ibabalik ang mga basura, 'yan ang sabi ni John Simon, Port Collector ng Mindanao International Container Terminal (MICT) sa press conference na ipinatawag ng Bureau of Customs  at EcoWaste Coalition.

"Their expedited re-export is what BOC wants and this is what our people are yearning for (Gusto ng BOC mapabilis ang paglalabas [ng basura] at 'yan din ang hinihiling ng ating mga kababayan)," ani Simon.

Paliwanag ni Simon, ibabalik ang mga basura dahil hindi nakakuha ng permit ang consignee na Verde Soko Philippine Industrial Corp. mula sa Department of Environment and Natural Resources.

"We look ahead to the imminent return of the Korean mixed garbage shipments to their source, and to the adoption of stringent policies to prevent their recurrence, including a crackdown on the importation of plastic waste (Inaabangan namin ang nalalapit na pagbalik ng halu-halong basura sa kanilang pinanggalingan, pati na rin ang crackdown sa pag-aangkat ng plastic waste)," sabi ni Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition.

Maliban dito, idineklara ito bilang "plastic synthetic flakes" ng korporasyon at hindi bilang basura.

Ayon sa BOC, alinsunod ang pagbabalik sa mga alituntunin ng Customs Modernization and Tarrif Act, Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act, at Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and Their Disposal.

Nangyari ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang bilateral meeting na nilahukan ng 35 katao sa Tagolian, Misamis Oriental noong ika-27 hanggang ika-28 ng Disyembre. 

Kabilang sa pulong ay ang four-member delegation ng South Korea na pinamunuan ni Lee Jong Min ng Ministry of Environment. Sa panig ng Pilipinas, pumunta naman ang mga representate ng BOC-Region 10, DENR-Region 10, PHIVIDEC Industrial Authority, municipal government ng Tagoloan, at provincial government ng Misamis Oriental.

Nagpasa na rin ng resolusyon ang Tagoloan Municipal Council para kundenahin ang importasyon ng plastic na ihinalo sa hazardous waste materials mula sa South Korea. 

BUREAU OF CUSTOMS ECOWASTE COALITION GARBAGE SOUTH KOREA TRASH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with