Gusali ng Philippine Overseas Employment Administration sa Mandaluyong.
Gusali ng Philippine Overseas Employment Administration sa Mandaluyong.
The STAR/File photo
Kabataan, edukado, nais umalis ng Pinas — survey
James Relativo (philstar.com) - December 26, 2018 - 5:37pm

MANILA, Philippines — Posibleng mabawasan ng 9 porsyento ang adult population ng Pilipinas dahil sa pangingibang-bayan ayon sa panibagong pag-aaral ng Gallup.

Ibinase ito sa inilabas na potential net migration index (PNMI) na sumusuri sa mga pagbabago sa populasyon sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga gustong umalis ng bansa kontra sa mga gustong pumasok.

Nakakuha ang Pilipinas ng -9 percent, na nangangahulugan ng pagkabawas ng populasyon.

Ibinase ang mga resulta sa mga personal na panayam pati na rin sa telepono sa 453,122 katao, edad 15 pataas, sa 152 bansa mula 2015 hanggang 2017.

Ayon din sa pag-aaral, 16 porsyento sa mga taong nagtapos ng apat na taon sa kolehiyo (o katumbas ng may bachelor's degree) ang gustong umalis ng Pilipinas o manirahan sa ibang bansa.

Samantala, 13 porsyento naman ng kabataang Pinoy edad 15 hanggang 29 ang gustong umalis kung mabibigyan ng oportunidad na lumipat.

Tanging ang Singapore lang ang bansa sa Southeast Asia na nakakuha ng positibong puntos. Nangangahulugan ito na nakakaengganyo sila ng mga kabataan at nakapag-aral na mag-migrate sa kanilang bansa, habang ang Vietnam naman ang may pinakanegatibong resulta sa rehiyon.

Nakuha naman ang New Zealand ng pinakamataas na PNMI score na 231 porsyento, habang 70 porsyento naman ng populasyon ng Sierra Leonne ang gustong mag-alsa balutan.

"Hindi hinuhulaan ng Potential net Migration Index ng Gallup ang 'patterns' ng pangingibang-bayan. Gayunpaman, nagbibigay ito ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga tipo ng tao na naaakit ng iba't ibang bansa sa buong mundo. Pwedeng itong magamit ng mga pinuno ng bansa para masigurong mananatili ang kanilang mga nasasakupan sa sariling bayan," ayon sa ulat na nakasulat sa Ingles.

Pormal namang inaprubahan ng United Nations General Assembly ang kasunduang maglalatag ng 23 layunin ng pagbubukas ng legal migration at pagpapababa ng illegal border crossings.

GALLUP MIGRATION OFW PNMI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with