Sa isang pahayag sa kanilang official Facebook page ipinaskil ng grupo ang kanilang disgusto sa tila taun-taon nang problema sa basura.
The STAR/Krizjohn Rosales
4 na trak ng basura nakolekta sa Luneta nitong Pasko; EcoWaste dismayado
James Relativo (Philstar.com) - December 26, 2018 - 4:07pm

MANILA, Philippines — Nadismaya ang grupong EcoWaste Coalition sa dami ng basurang iniwan ng mga pumasyal sa Luneta ngayong Kapaskuhan. 

Sa isang pahayag sa kanilang official Facebook page ipinaskil ng grupo ang kanilang disgusto sa tila taun-taon nang problema sa basura.

Tanong nila, "Kailan ba tayo magbabago?"

"Ang pagkakalat ay isang masamang ugali na sumasalamin sa ating kawalang respeto at pagmamalasakit kay Inang Kalikasan at sa ating kapwa," ayon sa grupo.

Umabot ng 13.7 tonelada ng basura ang nakolekta o katumbas ng apat na trak ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Matatandaang umabot sa 10 trak ang napuno ng basura mula sa Rizal Park noong sumapit ang Kapaskuhan taong 2015 ayon sa National Park Development Committee.

Payo ng grupo, panatilihing "maayos, ligtas, at maaliwalas" ang kapaligiran tulad ng sarili nating mga tahanan.

Kilala ang EcoWaste Coalition sa pagtuligsa sa pinsalang idinudulot ng iresponsableng pagtatambak ng basura sa tao. 

Nitong ika-16 lang, iprinotesta ng grupo ang hindi pa rin pagkuha ng South Korea sa basurang itinapon sa Misamis Oriental sa pamamagitan ng pangangaroling sa embahada ng naturang bansa. 

ECOWASTE COALITION LUNETA RIZAL PARK WASTE MANAGEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with