^
Anak ni Faeldon laya na
Kinumpirma ng mga opisyales ng Camp General Simeon Ola na pinakawalan si Faeldon matapos makumbinsi ang prosecutor's office na "boarder" lang siya sa bahay na itinuturong drug den sa Barangay Mabolo, Naga City.
File

Anak ni Faeldon laya na

James Relativo (Philstar.com) - December 24, 2018 - 11:21am

MANILA, Philippines — Iniutos ng city prosecutor's office ang pagpapalaya kay Nicanor Faeldon Jr., anak ni Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon, matapos maakusahang bumibisita sa isang drug den.

Kinumpirma ng mga opisyales ng Camp General Simeon Ola na pinakawalan si Faeldon matapos makumbinsi ang prosecutor's office na "boarder" lang siya sa bahay na itinuturong drug den sa Barangay Mabolo, Naga City.

Ayon sa tagapagsalita ng Bicol police na si Chief Inspector Malou calubaquib, nasakote ng otoridad ang akusado dahil natagpuan sa bahay ng isang Russel Lanuzo.

Matatandaang nagnegatibo sa ipinagbabaawal na gamot si Faeldon.

Pinakawalan din ang ilan pang akusado na sina Allan Valdez at Manuel Nebres dahil sa "kakulangan ng ebisensya" na drug den nga ang sinalakay na bahay kung saan natagpuan si Faeldon.

“The fiscal’s office found no probable cause to detain Faeldon, Valdez and Nebres. All of them are released today,” dagdag ni Calubaquib.

Mananatili naman sa kulungan si Lanuzo matapos magpositibong shabu ang mga sachet na nakita sa suspek nang isailalim sa crime laboratory examination.

DRUG DEN NAGA CITY NICANOR FAELDON JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with