Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng Ecowaste Coalition, ang mga bawal gamiting holiday gift items ay may nakalalasong kemikal batay na rin sa isinagawa nilang pagsusuri gamit ang portable X-ray fluorescent analytical device sa mga sample na nabili sa Divisoria sa Maynila.
Edd Gumban
Holiday gift items na ‘di dapat bilhin ngayong Pasko, inilabas ng Ecowaste
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpalabas nang listahan ng holiday gift items ang environmental group na Ecowaste Coalition na hindi dapat bilhin bilang panregalo ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng Ecowaste Coalition, ang mga bawal gamiting holiday gift items ay may nakalalasong kemikal batay na rin sa isinagawa nilang pagsusuri gamit ang portable X-ray fluorescent analytical device sa mga sample na nabili sa Divisoria sa Maynila.

Anya, ang mga gift items ay hindi rin nakitaan ng anumang label o impormasyon at warning tungkol sa lead content at walang market authorization mula sa Department of Health.

Kabilang sa mga gift items na nakitaan ng mataas na lead ay may 90PPM limit ay ang mga sumusunod tulad ng kulay pula at dilaw na “Naruto Shippud in, Fidget Spinner, yellow painted Despicable Me Vacuum Flask, kulay green na Mickey Mouse, Glass Cup, Yello Spongebob, Wonderful Xylophone, Kai Xin laser Toys, Mini Xylophone, Funny Toys Lizard at toy farm animals.

Pinayuhan din ng grupo ang mga consumers na iwasan ang pagbili ng mga manika, soft balls at squezzy toys na gawa sa Polyvinyl chloride chloride (PVC) plastic na may taglay na plasticizers.

ECOWASTE COALITION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with