^

Bansa

Higit 500 katutubo na namamalimos sa kalye dinampot

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Higit 500 katutubo na  namamalimos sa kalye dinampot
Ito ay makaraan ang limang araw na operas­yon ng NCRPO at iba’t ibang police station mula Disyembre 11-16 at pagpapatupad sa Presidential Decree No. 1563 o ang Medicancy Law of 1978.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Aabot na sa higit 500 miyembro ng indigenous people (IP) na namama­limos sa kalsada ang dinampot ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang lungsod ng Kamaynilaan na lalo pang dumarami habang papalapit ang Kapaskuhan.

Ito ay makaraan ang limang araw na operas­yon ng NCRPO at iba’t ibang police station mula Disyembre 11-16 at pagpapatupad sa Presidential Decree No. 1563 o ang Medicancy Law of 1978. 

Sa tala ng NCRPO, nasa 215 adult at 320 menor-de-edad na IPs ang kanilang nadampot sa 60 operasyon. Kabilang dito ang 117 mga Aeta, 59 Badjao, at 359 pang ibang katutubo.

Pinakamaraming nasagip na katutubo ang Quezon City Police District at Manila Police District na parehong may naitalang 224; kasunod ang Southern Police District, 68; Eastern Police District, 16; habang pinakahuli naman ang Northern Police District na tatlo lamang ang nasagip sa kabila ng mara­ming presensya ng mga IPs na namamalimos sa kalsada.

Sa ilalim ng batas, maaaring mapatawan ng parusang mula P500-P1,000 multa ang isang namamalimos o pagkakulong ng hanggang 4 na taon. Papatawan din ng multa ang sinumang mahuhuling nagbibigay ng limos.

Ipinagmalaki naman ni NCRPO chief, P/Director Guillermo Eleazar ang paglulunsad ng “Ligtas Paskuhan 2018” na la­yong labanan ang mga krimen na karaniwang tumataas sa kapaskuhan sa pagpapakalat ng dagdag na mga tauhan sa mga istratehikong lugar na dinadagsa ng publiko.

Nasa 7,823 pulis ang ikinalat ng NCRPO katuwang ang 7,995 force multipliers sa mga “police assistant hubs” sa mga palengke, shopping malls, simbahan, airports, LRT at MRT terminals, mga pier at bus terminals.

vuukle comment

INDIGENOUS PEOPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with