2 doktor na bumili ng Dengvaxia pinahaharap
MANILA, Philippines — Pinahaharap ng Department of Justice (DO) panel of prosecutors ang dalawang doktor na umano’y nagsagawa ng pagbili ng anti-dengue vaccine na humantong sa pagkamatay ng daang katao.
Pinadalhan ng summon ni DOJ panel headed Senior Assistant State Prosecutor Susan Dacanay sina Dr. Raymundo Lo, dating deputy executive director ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC), at Dr. Sonia Gonzales, ng PCMC para humarap sa panel of prosecution sa Dec. 14, 2018.
Pinagsusumite rin ang mga ito ng kanilang counter-affidavits at affidavits ng kanilang mga testigo sa December 28.
Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na inamin ni Lo na binigyan niya ng awtorisasyon Gonzales na ipirma siya para sa pagbili ng Dengvaxia vaccines na nagkakahalaga ng P3 bilyon noong Enero 21, 2016.
Nabatid na umaabot sa 29 kasong kriminal para sa reckless imprudence resulting in homicide, torture, at violation of the Consumer Protection Act ang isinampa ng PAO laban kay dating Health secretary Janette Garin at iba pang government officials, at opisyal ng Sanofi at distributor na Zuellig Pharma dahil sa pagkamatay ng mga naturukan nito.
- Latest