^

Bansa

Proyekto sa Pangasinan inilatag ni Lambino

Pilipino Star Ngayon
Proyekto sa Pangasinan inilatag ni Lambino

MANILA, Philippines — Isang malaking hakbang na lamang ang kailangan para mas higit na umunlad ang ekonomiya ng Pangasinan kung ang liderato lang nito ay makapagbibigay ng isang bagong pananaw para sa hinaharap.

Ito ang idiniin sa isang pahayag ni Mark de Guzman Lambino, ang 36 anyos na kandidatong vice governor sa Pangasinan na nagsabi pa na pinag-aaralan niya ang makabagong teknolohiya para maging isang “smart province” ang lalawigan at maging higit na inclusive growth at development center para sa hilagang Luzon.

“Ang bagong mga imprastruktura at ecozones ay makakapagbigay ng daan sa kinabukasan ng lalawigan,” paliwanag ni Lambino na inaasam ang pagpapagawa ng isang Pangasinan-Nueva Ecija Expressway mula Bolinao, Pangasinan hanggang San Jose City, Nueva City.

Nasa unahan din ng kanyang wish list ang isang international airport sa Alaminos na maaaring makapagpasigla sa commercial at tourism-oriented businesses sa Northern Luzon.

Ayon pa sa batang Lam­bino na nasa larangan ng consultancy services, trading and information technology, kabilang sa kanyang mga prayoridad ang paglalaan ng mga proyektong magbibigay ng kabuhayan at lumikha ng mga trabaho para sa mga kabataan ng Panga­sinan.

Anak siya ni Secretary Raul L. Lambino, CEZA administrator at CEO at concurrent presidential adviser for Northern Luzon at dating Marylin de Guzman.

vuukle comment

MARK DE GUZMAN LAMBINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with