Balangiga Bells balik-Pinas!
MANILA, Philippines — Matapos ang 117 taon, naibalik na sa Pilipinas ang tatlong makasaysayang Balangiga bells.
Pasado alas-10 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang C-130 cargo plane ng Amerika mula sa Okinawa, Japan dala ang tatlong kampana.
Mula sa NAIA, dinala ang mga kampana sa Villamor Air Base kung saan doon nagkaroon ng maikling programa para sa pormal na handover.
Ang handover ceremony ay pinangunahan nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana at US Ambassador to the Philippines Sung Yong Kim.
Magkakaroon ng 2 araw na public viewing sa Balangiga bells sa Philippine Air Force Museum bago ito ihahatid ito sa Eastern Samar sa Sabado na kanyang huling destinasyon kung saan personal namang dadalo si Pangulong Duterte para sa turnover.
Dalawa sa mga kampana ay nanggaling sa Warren Air Force Base, Cheyenne, Wyoming, habang ang isa ay nagmula pa sa Camp Red Cloud sa South Korea.
“The history of these bells spans the entire relationship between the United States and the Philippines. In the process, they have touched many lives. And their return underscores the enduring friendship between our countries, our shared values, and shared sacrifices,” wika ni Kim.
Ang Balangiga bells ay kinuha ng mga Amerikano bilang “war trophy” pagkatapos ng tinaguriang “Balangiga Massacre” sa Samar noong September 1901.
Related video:
- Latest