^

Bansa

Pagbabalik ng Balangiga Bells ‘historic’ – Palasyo

Pilipino Star Ngayon
Pagbabalik ng Balangiga Bells �historic� � Palasyo
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magbibigay ito ng bagong kahulugan sa relasyon ng Pilipinas at Amerika kung saan ay magsasara na rin sa yugto ng kasaysayan ng 3 kampana ng Balangiga na kinuha ng American troops noong July 1901 upang maging trophy ng mga ito sa Philippine-American war.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Itinuturing ng Malacañang na makasaysayan ang pagkakabalik ng Bala­ngiga Bells sa Pilipinas mula sa Estados Unidos makalipas ang 117 taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magbibigay ito ng bagong kahulugan sa relasyon ng Pilipinas at Amerika kung saan ay magsasara na rin sa yugto ng kasaysayan ng 3 kampana ng Balangiga na kinuha ng American troops noong July 1901 upang maging trophy ng mga ito sa Philippine-American war.

Sinabi ni Panelo, kinikilala nila ang pagsisikap ng mga stakeholders mula sa Pilipinas at Amerika para maibalik sa bansa partikular sa Balangiga, Eastern Samar ang mga nasabing kampana.

Bagama’t hindi nakarating kahapon ang Pangulo para salubungin ang pagdating sa bansa ng 3 Balangiga bells sa Villamor Airbase ay pangungunahan naman ni Pangulong Duterte ang ‘handover ceremony’ nito sa Balangiga, Eastern Samar sa Disyembre 15 (Sabado).

Tanging si Pangulong Duterte lamang ang matagumpay na nakapagpabalik ng 3 Balangiga bells na kinuha ng US na binanggit pa mismo ng Pangulo sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong 2017.

“Give us back those Balangiga bells. They are ours. They belong to the Philippines. They are part of our national heritage,” pahayag ng Pangulo sa kanyang second SONA kung saan ay nasa audience noon si US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Related video:

vuukle comment

BALA­NGIGA BELLS

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with