^

Bansa

GMA payag kahit paulit-ulit na extension ng Martial Law sa Mindanao

Pilipino Star Ngayon
GMA payag kahit paulit-ulit na extension ng Martial Law sa Mindanao
Sinabi ni Arroyo na bilang dating pangulo ng bansa ay alam niya kung gaano kahalaga ang mabilis na aksyon kung mayroong banta ng kaguluhan tulad noong magdeklara siya ng martial law sa Maguindanao matapos ang Maguindanao massacre.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sang-ayon si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magkaroon pa ng kahit ilang extension ang pagpapairal ng Batas Militar sa Mindanao para lang masiguro ang katahimikan at kaayusan sa rehiyon.

Sinabi ni Arroyo na bilang dating pangulo ng bansa ay alam niya kung gaano kahalaga ang mabilis na aksyon kung mayroong banta ng kaguluhan tulad noong magdeklara siya ng martial law sa Maguindanao matapos ang Maguindanao massacre.

Kaya kung mayroon umanong pangangaila­ngan para ipatupad ang Martial Law sa Mindanao ay hindi dapat ito hara­ngin bagkus ay palawigin lamang hanggang sa tuluyan nang maresolba ang problema sa banta ng terorismo.

Ngayong umaga ay tatalakayin ng mga mambabatas sa isang joint session ng Kamara at Senado ang pagpapalawig ng Martial Law hanggang Disyembre 31, 2019 matapos na rin itong hilingin ni Pangulong Duterte batay na rin sa naging rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) at Department of National Defense (DND).

Una nang sinabi ni Arroyo na pabor ang House Leadership sa Martial Law extension subalit nilinaw niya na malayang makaboboto ang mga Kongresista sa kung ano ang kanilang posisyon sa isyu.

Subalit ang mga taga Metro Manila lamang umano ang umaayaw sa martial law habang pabor naman dito ang mga taga Mindanao dahil ligtas ang kanilang pakiramdam kapag nasa ilalim ng batas militar.

vuukle comment

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with