Nat’l Task Force vs NPA binuo ni Digong
MANILA, Philippines — Bumuo si Pangulong Duterte ng National Task Force na upang wakasan na ang communist armed conflict sa bansa.
Batay sa Executive Order 70 na nilagdaan ng Pangulo, ini-institutionalize ang Whole Nation Approach Policy para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at rebeldeng NPA.
Ayon sa EO, uunahin at aayusin ang pagbibigay ng basic services at social development packages sa mga conflict areas at vulnerable communities sa bansa.
Layunin din ng kautusan ng Pangulo na makuha ang partisipasyon ng lahat ng sektor para makamit ang peace agenda ng pamahalaan.
Ang National Task Force ay nasa ilalim ng Office of the President. Tatayong chairman ang Pangulo ng bansa at vice-chairman ang National Security Adviser habang miyembro ang iba pang tanggapan ng pamahalaan kabilang na ang Department of Interior and Local Government, Department of Justice, Department of National Defense, Department of Public Works and Highways, Department of Education, Department of Social Welfare and Development, Presidential Adviser on the Peace Process at maraming iba pa.
Magkakaroon din ng kapangyarihan ang mga local chief executives na magsagawa ng local peace engagements, negotiations at interventions.
- Latest