Gen. Galvez nagpaalam na sa AFP troops
MANILA, Philippines — Nagpaalam na kahapon si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr., sa tropa ng mga sundalo kaugnay ng pagreretiro matapos ang 8 buwang pagseserbisyo sa militar.
Si Galvez, ika-50th AFP chief of staff ay nakatakdang bumaba sa puwesto ngayong araw o isang araw bago ang kaniyang ika-56 taong kaarawan sa Disyembre 12, ang compulsory age retirement sa AFP.
“I could not be any happier and more content than I am now, that we are able to accomplish our goals. All of these will not be possible without your help and support,” pahayag ni Galvez sa kaniyang huling flag raising ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon ng umaga.
Inihabilin naman ni Galvez sa kaniyang successor na si AFP Eastern Mindanao Command (EastMinCom) Commander Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang AFP.
Ang dalawa ay mag-mistah sa PMA Class 1985.
Si Madrigal ang napili ni Pangulong Duterte na humalili kay Galvez
Tiwala si Galvez na ipagpapatuloy ni Madrigal ang magagandang programa na kaniyang nasimulan sa AFP.
- Latest