AFP nakaantabay sa desisyon ni Duterte
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2018 - 12:00am

Sa SOMO

MANILA, Philippines — Nakaantabay pa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung magdedeklara ng Suspension of Military Operation (SOMO) o hindi.

Ito’y kasunod ng deklarasyon ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) na unilateral ceasefire na epektibo mula alas-12:01 ng madaling araw ng Disyembre 24 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Disyembre 26, 2018 at mula alas-12:01 ng madaling araw ng Disyembre 31 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Enero 1, 2019.

Ayon kay Eastern Mindanao Command (Eastmincom) spokesperson Lt. Col Ezra Balagtey, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na desisyon ng Presidente sa isyu kaya hinihintay pa nila ito.

Hinikayat naman ng tropa ng pamahalaan ang CPP-NPA na pangatawanan ang kanilang deklarasyon ng temporary unilateral ceasefire.

Nagpahayag naman si 1003rd Infantry Brigade Commander Brig. General Ernesto Torres ng pag-asa na sana ay maging permanente na ang tigil-putukan upang maupuan at mapag-usapan na ang mga problema.

Hinikayat din nito ang mga rebeldeng magbabalik sa kanilang pamilya sa gagawing unilateral ceasefire na samantalahin ang pagkakataon para makapag-isip nang mabuti kung ano ba talaga ang kanilang ipinag­lalaban.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with