Ang kinukuwestiyong pondo ay para sa paghahanda sa SEA Games kung saan tatayong host ang Pilipinas ay para sa mga sumusunod: sports, P1.3B; venues, P1.3B; game services, P1.5B; venues, marketing at PR, P5250 milyon; ceremonies P450M; at athletes’ village operation, P368M.
P7.5B budget ng DFA sa 2019 SEA Games nabisto
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang P7.5 bilyon pondo na hinihingi ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagdaraos sa bansa ng 2019 Southeast Asian Games.

Para kay Drilon, “misteryoso” at nakakagulat umano ang paglalaan ng P7.5 bilyon sa DFA dahil hindi naman bahagi ng mandato ng ahensiya ang pagsusulong ng sports. 

Sinabi ni Drilon na ito ang unang pagkakataon na nakarinig siya na bibigyan ng pondo ang DFA para sa sports program. 

Ang kinukuwestiyong pondo ay para sa paghahanda sa SEA Games kung saan tatayong host ang Pilipinas ay para sa mga sumusunod: sports, P1.3B; venues, P1.3B; game services, P1.5B; venues, marketing at PR, P5250 milyon; ceremonies P450M; at athletes’ village operation, P368M.

Ayon naman kay Senate Finance committee chair Loren Legarda, si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang nag-request na ilagay ang pondo sa ilalim ng DFA.

Idinagdag ni Legarda na hiniling na ng pumalit kay Cayetano na si DFASec. Teddy Locsin na ilipat ang P7.5 bilyon sa ibang ahensiya.

Hiniling naman ni Dri­lon na ilipat ang P7.5 bilyon sa Philippine Sports Commission na sinang-ayunan naman ni Legarda.

FRANKLIN DRILON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with