Ipinalabas ang warrant of arrest kahapon ni Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang.
Geremy Pintolo
Trillanes, ipinaaaresto ng korte sa kasong libel
Doris Franche, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinaaaresto ng Davao City Regional Trial Court si Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa kasong libel. 

Ipinalabas ang warrant of arrest kahapon ni Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang. 

Kasabay nito, nagtakda ang korte ng piyansang P24,000 para sa bawat isa sa apat na libel upang pansamantalang makalaya si Trillanes.

Inaakusahan ng dating bise alkalde ang senador ng paninira sa kanyang pamilya sa isang panayam ng mambabatas sa isang himpilan ng radyo sa Cebu City.

Inakusahan ni Trillanes noong 2017 si Duterte at bayaw nito na si Manases Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte na sangkot umano sa pangingikil sa mga kompanyang naghahatid at sumusundo ng mga pasahero.

Wala namang inilabas na hold departure order ang korte para kay Trillanes na nakatakdang bumiyahe sa Europe mula Disyembre 22, 2018 hanggang Enero 11, 2019.

PORK BARREL SCAM RAMON “BONG” REVILLA JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with