Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na hindi na nila aapela ang acquittal ni Revilla dahil bigo ang prosekusyon na mapatunayan na si Revilla ay tumanggap direkta man o hindi direkta ng komisyon at kickbacks sa pork barrel noong senador pa siya.
Michael Varcas
Ombudsman ‘di na aapela sa acquittal ni Revilla
Angie dela Cruz, Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na aapela pa ang Office of the Ombudsman sa ginawang pagbasura ng Sandiganbayan sa kasong plunder ni dating Sen. Bong Revilla na may kinalaman sa pork barrel scam.

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na hindi na nila aapela ang acquittal ni Revilla dahil bigo ang prosekusyon na mapatunayan na si Revilla ay tumanggap direkta man o hindi direkta ng komisyon at kickbacks sa pork barrel noong senador pa siya.

Samantala, nirerespeto ng Palasyo ang naging hatol ng anti-graft court kay Revilla.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagsalita na ang korte at ginawa na nito ang constitutional duty na maggawad ng hustisya.

Ayon kay Panelo, anuman ang mga sentimiyento laban sa ruling, kailangang tumalima sa hatol ng Sandiganbayan.

Maaari naman aniyang umapela at gamitin ang legal remedies ng alinmang panig na sa tingin nito ay naagrabyado sa nasabing kontrobersyal na ruling.

BONG REVILLA SANDIGANBAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with