Ito ang sinabi ni Atty. Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters and Safety Protection (LCSP) bilang reaksyon sa kontrobersyal na pagpapalabas ng LTFRB board resolution para sa bawas P1.00 sa pasahe sa jeep o P9 provisional rollback mula sa P10 permanent fare sa jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4.
Michael Varcas
Fare rollback sa jeep, dapat pa ring idaan sa hearing – LCSP
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat pa ring dumaan sa public hearing ang anumang desisyon na gagawin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) patungkol sa fare adjustment sa lahat ng pampasaherong sasakyan sa bansa.

Ito ang sinabi ni Atty. Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters and Safety Protection (LCSP) bilang reaksyon sa kontrobersyal na pagpapalabas ng LTFRB board resolution para sa bawas P1.00 sa pasahe sa jeep o P9 provisional rollback mula sa P10 permanent fare sa jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4.

Sinabi ni Inton na kahit na motu propio ang sinasabi ng LTFRB na ginamit nila sa pagpapalabas ng biglaang jeepney fare rollback, kailangan pa rin nilang sundin ang regulasyon dito tulad ng pagsasagawa ng public hearing.

Anya, ang kapangyarihan ng board ay kahit walang petisyon na pagtaas o pagbaba ng pasahe ay puwede ang motu propio o sa kanilang inisyatibo pero kaila­ngang mag-set muna ng pagdinig at hindi mag-set agad ng desisyon sa pasahe.

Binigyang diin din ni Inton na kung ang katwiran ng LTFRB ay minadali nila ang desisyon para sa kapakanan ng pasahero, dapat sana ay naglabas na lamang ang board ng provisional reduction sa petition na isinampa ni Mr. RJ Javellana ng United Filipino Consumers and Commuters.

Sinasabing naipalabas ng LTFRB ang P1 rollback o balik P9 na lamang ang minimum fare sa jeep, isang araw bago ang takdang pagdinig sa P8 fare rollback ni Javellana.

Binigyang diin ni Inton na kung naisailalim anya sa pagdinig ang jeepney fare rollback ay maaaring walang magaganap na kaguluhan dahil mapapakinggan ang magkabilang panig at baka naisama rin ang fare rollback sa mga passenger bus.

JEEPNEY FARE ROLLBACK LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with