Ito ang patutsada kahapon ni Vice Pres. Leni Robredo sa pilit na pagtutulak ng mga kaalyado ng administrasyon sa Charter change, sa gitna ng sanga-sangang problema na dala ng TRAIN Law at inflation.
Boy Santos
Sikmura muna bago pulitika – Leni
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat unahin ang sikmura ng mamamayan kaysa ibuhos ng mga mambabatas ang kanilang oras sa pulitika.

Ito ang patutsada kahapon ni Vice Pres. Leni Robredo sa pilit na pagtutulak ng mga kaalyado ng administrasyon sa Charter change, sa gitna ng sanga-sangang problema na dala ng TRAIN Law at inflation.

Ayon sa Bise Presidente, mas makatutulong sana sa mga mamamayan kung ibinubuhos ng mga mambabatas ang kanilang oras sa mga panukalang makatutulong upang maibsan ang pabigat na dala ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Ito’y matapos aprubahan ng House sa 2nd reading ang resolusyon para sa proposed federal constitution, sa parehong araw na pinayagan ni Pangulong Duterte ang pagtuloy sa planong pagpapataw ng fuel excise tax sa susunod na taon.

“Malinaw na usap-pulitika ang mas mahalaga para sa liderato ng Kamara, na siya nitong ipinakita sa pagpasa ng House Resolution na nagtutulak sa Cha-Cha,” ani Robredo. “Sa aming pag-iikot sa mga pinakamalalayong lugar sa ating bansa, iisa ang hinaing ng ating mga kababayan—ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.”

“Ngunit kitang kita na hindi ito ang nais tutukan ng administrasyon: delayed na nga ang ayuda para sa mahihirap, binawi pa ang suspensyon ng fuel excise tax sa January 2019—at ngayon pinagpipilitan pa rin ang kagustuhang baguhin ang sistema ng pamahalaan,” sabi ni Robredo.

Ayon kay Cong. Vicente Veloso, pinuno ng House committee on constitutional amendments, ang pagtutulak nila ng panukalang ito ay bahagi ng pagtupad sa agenda ng administrasyon.

Para kay Robredo, da­pat unahin ng adminis­trasyon “ang mga alalahaning pinakamalapit sa bituka at pamumuhay” ng mga Pilipino, lalo na iyong mga naghihirap, kaysa ang pamumulitika. 

Matagal nang itinutulak ng Bise Presidente na pagtuunan sana ng pansin ang pagbibigay-solusyon sa matataas na presyo ng mga bilihin na naranasan nitong taon, sa gitna ng pagtaas ng inflation rate ng bansa at ang problema sa suplay ng bigas.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with