Ang grupo ni Ocampo at Castro kasama ang labing lima pa ay naharang noong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte kasama ang 14 na menor de edad mula sa nasabing paaralan ng mga Lumad.
Michael Varcas
Lumad leaders kinastigo sina Satur at Castro
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinagalit umano ng mga Lumad lider ang pagtangay ng grupo nila dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa 14 na kabataan mula sa Salugpungan Learning Center sa  Davao del Norte.

Ang grupo ni Ocampo at Castro kasama ang labing lima pa ay naharang noong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte kasama ang 14 na menor de edad mula sa nasabing paaralan ng mga Lumad.

Sa mismong istasyon ng pulis sumugod ang mga magulang at Lumad lider na si Bai Pilar upang kastiguhin ang tangkang pang-aagaw ng kanilang mga anak at kabataang Lumad.

Inihayag ni Bai Pilar na mismong ang New People’s Army (NPA) ang siyang nakakapanggulo sa kanilang tribu at ginagamit lamang sila upang labanan ang pamahalaan.

“Bakit ninyo kukunin ang aming mga kabataan samantalang wala namang kaguluhang nangyayari sa aming lugar? Noon pa man magsimula ng kayo ay nakihalo sa amin, ma­rami na ang mga namatay. Kapag umaakyat kayo sa aming mga bundok siguradong may patayan, dahil kayo ang unang pumapatay ng mga sundalo,” pahayag ni Bai Pilar sa harap nila Ocampo at Castro at ng kanilang mga kasamahan. 

Sinabihan ng Lumad Lider sina Ocampo at Castro na huwag na muli pang aapak sa kanilang tribu o lugar upang matigil na ang kaguluhan. 

“Iwanan niyo ang aming mga kabataan at kunin na lamang ang inyong mga guro na walang itinuturong kabutihan kundi ang labanan ang pamahalaan, ayaw na namin pang muling may mamatay sa aming lahi,” paggigiit ni Bai Pilar sa grupo ni Ocampo at Castro.

Ang Salugpungan Learning Center ay matagal ng pinasara ng local unit ng Department of Education o DepEd dahil na rin sa kahilingan ng mga lider ng tribu dahil wala naman daw itong itinuturo sa mga batang Lumad kundi ang magrebelde sa pamahalaan.

FRANCE CASTRO SATUR OCAMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with