Ito ang tiniyak ni Sen. JV Ejercito, principal author at sponsor ng Senate Bill No. 1896 o “Universal Health Care for All Filipinos Act” matapos aprubahan ng Bica­meral Conference Committee ang pinag-isang bersiyon ng panukala ng Senado at Kamara noong Martes.
KJ Rosales
Tambay makikinabang din sa Universal Health Care
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit ang mga tambay ay makikinabang din sa Universal Health Care (UHC) program ng gobyerno sa oras na maging batas ang panukala.

Ito ang tiniyak ni Sen. JV Ejercito, principal author at sponsor ng Senate Bill No. 1896 o “Universal Health Care for All Filipinos Act” matapos aprubahan ng Bica­meral Conference Committee ang pinag-isang bersiyon ng panukala ng Senado at Kamara noong Martes.

“Istambay o ‘yung walang trabaho, mayaman, mahirap, basta Pilipino siya, covered siya ng national health insurance program sa ilalim ng UHC,” pahayag ni Ejercito.

Kailangan na lamang ratipikahan ang panukala bago ipadala sa Malacañang upang malagdaan ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng UHC, lahat ng Pilipino ay maari nang magpagamot sa mga pampublikong pagamutan maging sa mga pribadong ospital na accredited ng PhilHealth.

Bukod sa gastos sa pagpapa-ospital, magiging ‘affordable’ na rin ang bayad sa primary health care tulad ng pagpa-check-up at laboratory procedures dahil sagot ng gobyerno ang malaking bahagi ng gastusin para rito.

JV EJERCITO UNIVERSAL HEALTH CARE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with