Ilan sa mga miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police na nalitratuhan habang dumadalo kahapon sa flag raising cere­ mony sa Camp Crame.
(Kuha ni Michael Varcas)
400 SAF commandos ipinakalat sa Bicol, Samar
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa halos 400 Special Action Force (SAF) commandos ang ipinadala ng Philippine National Police upang tumulong sa tropa ng mga sundalo sa pagsupil sa ‘state of lawlessness’ at terorismo sa Bicol Region, Samar habang nakaantabay na rin ang karagdagang puwersa sa Negros Islands.

 Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde bilang pagtalima sa inisyung Memorandum of Agreement (MOA) 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Albayalde na inatasan na niya ang pinuno ng SAF para magpadala ng tig–iisang company ng SAF  commandos sa nasabing mga lalawigan.

Ang bawat company ng SAF commandos ay aabot sa 127 hanggang 132 opisyal at mga mi­yembro.

Samantalang sa Negros, sinabi ni Albayalde na may naka-standby na puwersa ng SAF troopers na isasabak sa mga kritikal na lalawigan para  palakasin ang kanilang elite units sa lugar at makatuwang ng AFP  forces sa pagsupil sa mga bayolenteng aktibidad partikular na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Albayalde, ang pagpapakalat ng karagdagang puwersa ng militar at pulisya sa mga kritikal na lugar na balwarte ng NPA rebels ay hindi makakaapekto sa kasalukuyang setup  ng PNP.

Alinsunod sa kautusan, sinabi ni Albayalde na inatasan na niya ang tropa ng pulisya upang paigtingin pa ang operasyon para masupil ang karahasan at terorismo.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Albayalde na hindi magbubunsod sa deklarasyon ng martial law sa buong bansa ang nasabing memorandum order ng punong ehekutibo.

Sinabi ni Albayalde na ang nasabing memorandum ay base sa serye ng mga pag-atake ng mga rebelde sa mga himpilan ng pulisya sa Samar; massacre sa Sagay City sa Negros Occidental at pananambang sa mga pulis sa Bicol Region noong nakalipas na buwan.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL ACTION FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with