Iginiit ng CCG na isang policy ng China na bawal na magsagawa ng interview activity sa Scaborough Shoal kaya binalaan nito ang GMA 7 crew na lisanin ang lugar o harapin ang anumang consequence.
Panggigipit ng Chinese Coast Guard sa mga Pinoy hindi papayagan ng Malacañang
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na hindi ito papayag na gipitin at takutin ang sinumang Filipino tulad ng nangyari sa GMA 7 crew na ginipit ng Chinese Coast Guard sa Panatag Shoal matapos pagbawalan ang mga mamamahayag na magsagawa ng interview sa mga mangi­ngisda sa Panatag Shoal na nakapaloob sa 200 nautical miles ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

“Di tayo papayag iharass ang ating kapwa Filipino,” paliwanag pa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing kahapon sa Palasyo.

Sinabi pa ni Sec. Pa­nelo, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa sinasabing harassment ng Chinese Coast Guard sa crew ng GMA 7 na tinakot at ginipit ng CCG dahil nagsagawa ng interview sa mga mangingisda sa Panatag Shoal.

Iginiit ng CCG na isang policy ng China na bawal na magsagawa ng interview activity sa Scaborough Shoal kaya binalaan nito ang GMA 7 crew na lisanin ang lugar o harapin ang anumang consequence.

Wika pa ni Panelo, ang pakiramdam ng China ay pag-aari nila ang Panatag Shoal kaya ginawa nila ito sa crew ng GMA 7.

CHINESE COAST GUARD SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with