^

Bansa

Soberenya ng Pinas ipaglaban!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Soberenya ng Pinas ipaglaban!
Lumitaw sa survey na isinagawa nitong Setyembre 15-23, 84 percent ng Pinoy ang nagsabing hindi tama na walang gawing hakbang ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea at hayaan lamang ang China na magtayo ng military posts sa disputed territories.

MANILA, Philippines — Nais ng walo sa 10 Filipino na ipaglaban ng gobyerno ang soberenya ng Pilipinas sa pananakop ng China sa West Philippine Sea, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Lumitaw sa survey na isinagawa nitong Setyembre 15-23, 84 percent ng Pinoy ang nagsabing hindi tama na walang gawing hakbang ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea at hayaan lamang ang China na magtayo ng military posts sa disputed territories.

Nasa 87 percent din ng respondents ang nagsasabing dapat gumawa ng hakbang ang Pilipinas upang muling mabawi ang nasabing isla na tinayuan ng military structures ng China.

Habang 86 percent ang naniniwala na tama na palakasin ang military capability ng Pilipinas, partikular ang Navy.

Samantala, 71% ang gustong dalhin ng gobyerno ang isyu sa international organization, gaya ng United Nations o Association of Southeast Asian Nations.

Nakakuha naman ng poor trust rating ang China sa mga Pinoy, 27% ang nagsabing may tiwala sila sa China habang 43% ang kaunti ang tiwala.

Nananatili namang pi­nagkakatiwalaang bansa ng mga Pinoy ang Amerika.

Kinuwestyon naman ng Malacañang ang ‘timing’ ng pagpapalabas ng resulta ng survey ng SWS na inilabas sa araw ng pagbisita ni Chinese President Xi Jinping.

Pinuna rin ng Palas­yo ang ginamit na pagtatanong sa survey ng SWS kaugnay sa naging resulta nito.

“We consider the question skewed as it misleads the public to believe and suggests that the current government has not acted on China’s activities on the disputed areas in the West Philippine Sea. This is far from the truth,” giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Hindi anya nagiging pabaya si Pangulong Du­terte sa usapin ng WPS bagkus ay isinusulong nito sa nakaraang ASEAN Summit na magkaroon ng mabilis na resolusyon sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea para maresolba ang sigalot at maiwasan ang kaguluhan.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATION

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with