^

Bansa

P3.757-T nat’l budget pasado na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P3.757-T nat�l budget pasado na
Ayon kay House Majority leader Rolando Andaya, nakadagdag sa pagbagal ng pag-apruba ng budget ang amendments mula sa gabinete habang humiling din umano ang Pangulo ng P2 bilyon na pondo para sa pabahay sa militar.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Ipinasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang P3.757 Trillion national budget para sa taong 2019.

Sa botong 196 na Yes at 8 na No ay naaprubahan ang House Bill 8169.

Ayon kay House Majority leader Rolando Andaya, nakadagdag sa pagbagal ng pag-apruba ng budget ang amendments mula sa gabinete habang humiling din umano ang Pangulo ng P2 bilyon na pondo para sa pabahay sa militar.

Tiniyak naman ng Majority leader na lahat ng ina­m­yendahan sa budget ay itemized at ito ay alinsunod sa lahat ng mga patakaran.

Taliwas umano sa paratang ni Sen. Panfilo Lacson na kaya mabagal ang proseso ng budget sa Kamara ay dahil nasisingitan na ito ng pork barrel.

Iginiit pa ni Andaya na para mapawi ang pangamba ng marami na magkakaroon ng reenactment budget ay ipinasa na nila agad ang nasabing panukala at ita-transmit na ito agad sa Senado para masimulan na doon ang plenary deliberation.

Sa ilalim ng P3.757 trillion budget, ang Department of Education (DepEd), state universities and colleges, Commission on Higher Education at Technical Education and Skill Development Authority (TESDA) ang may pinakamalaking alokasyon na P659.3 bilyon, 

Sinundan ito ng DPWH, P555.7B; DILG, P225.6B; DND, P183.4B at DSWD na P173.3 bilyon. Kasama rin sa top ten na may malaking alokasyon ang DOH, DOTr, DA, Hudikatura at ARMM.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

ROLANDO ANDAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with