^

Bansa

Paglipat sa ibang electric company ng Iloilo magiging maayos – Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Paglipat sa ibang electric company ng Iloilo magiging maayos � Poe
Nagkaroon na ng public hearing at technical working group deliberations tungkol sa pagbibigay ng prangkisa sa Monte Oro Resources and Energy o MORE ang komite ni Poe.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sen. Grace Poe, chairman ng Se­nate committee on public services, na walang dapat ipag-alala ang mga taga Iloilo dahil tiyak na magi­ging maayos at huhusay ang serbisyo ng kuryente sa kani­lang lugar kahit pa magkakaroon na ng bagong electric company sa lugar.

Nagkaroon na ng public hearing at technical working group deliberations tungkol sa pagbibigay ng prangkisa sa Monte Oro Resources and Energy o MORE ang komite ni Poe.

“Ang aking concern at concern ng marami…huwag naman mawalan ng kuryente kapag nag-takeover ang MORE. We consulted many different agencies, may ERC (Energy Regulatory Commission), DOE (Department of Energy) at ang iba’t iba pang mga ahensiya to make sure that there will be a seamess transition,” sabi ni Poe sa panayam.

Tiniyak naman ni Poe na mabibigyan ng tamang bayad para sa kanilang pasilidad ang Panay Electric Company (PECO) na hindi ni-renew ng House of Representatives ang prangkisa.

Idinagdag ni Poe na karapatan ng mga taga-Iloilo na magkaroon ng mas magandang serbisyo ng kuryente.

Matatandaan na ang prangkisa ng MORE ang ina­prubahan ng House of Representatives kaya’t ito lang ang maaring aksiyunan ng Senado.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with