Hiling ng mga residente na kung hindi pa sapat ang mga inilahad nilang reklamo laban sa PECO sa Energy Regulatory Commission (ERC) ay handa silang makipagdyalogo sa mga mambabatas at kay Pangulong Duterte para personal nilang maiparating ang kanilang reklamo kung ito ang siyang makakatulong para tuluyan nang ibasura ng Kamara ang legislative franchise renewal application ng PECO.
Joven Cagande
Iloilo residents umapela sa Pangulo at sa Kongreso laban sa PECO
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela kahapon sa Kamara at kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang residente ng Iloilo City na pakinggan ang boses ng mga consumers  at ibasura na ang apela ng Panay Electric Company (PECO) para sa kanilang legislative franchise renewal.

Hiling ng mga residente na kung hindi pa sapat ang mga inilahad nilang reklamo laban sa PECO sa Energy Regulatory Commission (ERC) ay handa silang makipagdyalogo sa mga mambabatas at kay Pangulong Duterte para personal nilang maiparating ang kanilang reklamo kung ito ang siyang makakatulong para tuluyan nang ibasura ng Kamara ang legislative franchise renewal application ng PECO.

Nabatid na ang  prangkisa ng PECO ay magtatapos sa Enero 18, 2019 at ang aplikasyon nito para renewal ay nanatiling nakabinbin sa House Committee on Le­gislative Franchises.

Sinabi ng isang residente na si Hazel Fernandez, isang Ship Captain at residente ng Jaro, Iloilo City na saksi sya sa palpak na serbisyo ng PECO. Sa katuna­yan, 5 buwan syang nagpabalik-balik bago naaksyunan ang inirereklamo nyang overcharging na aabot mula P4,000 pataas kada buwan.

Bukod dito karaniwan din umanong tumatagal ang reklamo ng mga consumers na hindi naaksyunan dahil walang sariling complaint desk ang PECO.

Para naman sa retired Iloilo teacher na si Mildred Jaromahum ng Barangay Sinikway, Iloilo City, katakut-takot na stress at hindi pagkatulog ang sinapit nya dahil sa palpak na serbisyo ng PECO.

Ayon kay Jaromahum, P3,000 kada buwan ang kanyang bill sa kuryente ngunit noong 2017 ay umabot ito ng P114,375 at ang nais ng PECO ay bayaran nya ito ng installment.

PANAY ELECTRIC COMPANY RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with