^

Bansa

SC ruling sa Filipino kinuwestiyon ng senador

Doris Franche, Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
SC ruling sa Filipino kinuwestiyon ng senador
“Sa kolehiyo lumalim ang pagmamahal ko sa bayan. Kaya mahalaga na hanggang tertiary level, tuluy-tuloy ang pag-aaral at pagpapalalim sa ating pagiging Pilipino, at ma­laking bahagi dito ang ating literatura,” wika ni Sen. Bam, principal sponsor ng batas na nagbibi­gay ng libreng edukasyon sa state universities and colleges.
Geremy Pintolo

‘Korean language hindi  pamalit’-DepEd

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Senador Bam Aquino ang desisyon ng Korte Suprema na nagtatanggal sa Panitikan at Filipino bilang core subjects sa kolehiyon sa pagsasabing dapat palakasin ang pagkakakilanlan bilang Pilipino at pagkilala sa ating pambansang wika.

“Sa kolehiyo lumalim ang pagmamahal ko sa bayan. Kaya mahalaga na hanggang tertiary level, tuluy-tuloy ang pag-aaral at pagpapalalim sa ating pagiging Pilipino, at ma­laking bahagi dito ang ating literatura,” wika ni Sen. Bam, principal sponsor ng batas na nagbibi­gay ng libreng edukasyon sa state universities and colleges.

 “Kilalanin at ipagma­laki natin ang mga kaba­bayan nating makata’t manunulat na maaaring maging inspirasyon sa ating mga estudyante sa kolehiyo,” wika ni Sen. Bam, vice chairman ng Committee on Education.

Samantala, sa lingguhang forum na Balitaan sa Maynila, sinabi ni 1-Ang Edukasyon party­list Rep. Salvador Belaro na kailangan ang uni­fying language ng bansa tungo sa ikapagbubuklud-buklod ng mga mamamayan.

Sabi ni Belaro, Filipino aniya ang nasimulan na gamitin mula kinder hanggang sa kolehiyo bago pa man maisabatas ang K-12 law na nagtatakda naman ng mother tongue bilang paraan ng pagtuturo sa mga rehiyon na hindi epektibo dahil lalo lamang mahihirapan ang mga estudyante.

Nilinaw naman kaha­pon ng Department of Education na hindi gaga­wing pamalit sa Filipino subject ang Korean language class sa basic education curriculum (BEC).

Ipinaliwanag ng DepEd na ang naturang dayuhang lengguwahe ay ituturo lamang bilang isang elective class at hindi magiging bahagi ng core subjects ng BEC, sa may 700 mag-aaral sa 10 piling junior high schools (JHS) sa National Capital Region (NCR).

vuukle comment

BAM AQUINO

KORTE SUPREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with