^

Bansa

Paghati sa Palawan aprub sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aprub na sa Senado ang panukalang-batas na naglalayong hatiin sa tatlong probinsiya ang Palawan, ang pinakamalaking probinsiya sa bansa.

Sa ginawang botohan, 14 na senador ang bomoto ng pabor, 1 ang negative vote at walang abstention.

Kapag naging ganap na batas, magkakaroon na ng Palawan Del Norte, Palawan Oriental, at Palawan Del Sur.

Ang panukala ay nagmula sa House of Representatives at inisponsor ni Senator Sonny Angara sa Senado, chairman ng Senate committee on local government.

Ayon kay Angara, magkakaroon pa ng isang plebesito sa 2020 kung saan kailangang makuha ang mayorya ng boto ng mga mamamayan ng Palawan para mabuo ang tatlong magkakahiwalay na probinsiya.

Nagbabala naman si Senador Risa Hontiveros na mas magkakaroon ng matatag na posisyon ang China sa West Philippine Sea kapag hinati pa sa tatlo ang Palawan.

Sinabi ni Hontiveros na mas magkakaroon ng oportunidad ang China na mapasok at maimpluwensiyahan ang mas maliliit na local government units kaysa sa isang malaking probinsiya.

Ayon pa kay Hontiveros, walang totoong konsultasyon na nangyari. Bagaman anya nagkaroon ng public hearing sa Senado at nag-imbita ng mga resources persons, mga opisyal at empleyado ng probinsiya, hindi naman napakinggan ang posisyon ng iba’t-ibang non-government organizations (NGOs), people’s organizations at religious groups na kontra sa paghahati ng probinsiya.

vuukle comment

HOUSE OF REPRESENTATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with