^

Bansa

P150-K piyansa ni Imelda

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P150-K piyansa ni Imelda
Si dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez-Marcos nang magtungo kahapon sa Sandiganbayan para magpiyansa.
Michael Varcas

Loyalists nagbunyi

MANILA, Philippines — Nagbunyi ang mga Marcos loyalists nang sumugod kahapon sa Sandiganbayan upang magpa­kita ng suporta kay dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez-Marcos na pinayagang magpiyansa sa halagang P150,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang dating Unang Ginang ay nasa Sandiganbayan kahapon upang harapin ang hatol na ‘guilty’ na ipinalabas ng 5th Division kaugnay sa pitong bilang na kasong graft.

Kasama niya ang mga anak na sina dating Senador Bongbong Marcos, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, at ilang apo, kabilang ang singer-actor na si Borgy Manotoc.

Bukod sa pagpipiyansa, nagpaliwanag din ang da­ting unang ginang na hindi siya nakarating sa kanyang promulgation sa Sandiganbayan noong Nobyembre 9 dahil sa mayroon siyang sakit at hindi niya alam ang schedule.

Nalaman lamang uma­no niya na schedule ng kanyang promulgation matapos niya itong mapanood sa mga balita sa telebisyon.

Samantala, nagkulay pula naman ang labas ng Sandiganbayan sa ipinakitang suporta ng kanilang mga loyalista.

“Marcos, Marcos pa rin!’ sigaw ng mga loya­lista na nagsasabing kahit anong paninira ang gawin ng mga kritiko, hindi nila mapapaniwala ang taumbayan dahil sa galing at husay ng pamamalakad ng pamilya Marcos sa bansa.

Ayon kay Limuel Trigue ng United Loyalists Alliance of the Philippines (ULAP), naniniwala silang mababasura rin ang mga kasong isinampa kay Imelda dahil wala itong kasalanan at hindi nagnakaw sa kabang-yaman ng bansa.

“Nalusutan ni Madam ang daan-daang kaso kasi walang katibayan. Maging sa Amerika, na-acquit siya kaya naniniwala kami na walang basehan ang lahat ng ibinibintang nila,” sabi ni Trigue.

Aniya, kuwestiyunable rin ang inilabas na desis­yon dahil kaduda-duda rin ang timing ito.

“Ngayong almost 27 years na, ngayon pa lang sila nagdesisyon,” dagdag niya.

Kung ikukumpara ani­ya ang buhay ngayon, higit na masagana ang buhay ng Pilipino noong panahon ng Martial Law.

Pinasama lamang daw ito ng mga kritiko na mga tunay na nagnakaw sa kaban ng bayan noong sila naman ang nanungkulan.

Sabi pa ni Trigue, dapat baguhin na rin ang mga itinuturo sa eskuwelahan ngayon dahil masyado nang pinalabas na masasama ang mga Marcos, gayung malayo ito sa katotohanan.

Samantala, nagsagawa rin ng kilos protesta ang mga anti-Marcos sa tapat ng Sandibayan na pinangunahan ni Bayan Partylist Rep. Neri Colmenares kung saan ay nagsagawa sila ng maik­ling programa.

vuukle comment

IMELDA ROMUALDEZ-MARCOS

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with