^

Bansa

Digong nagpasalamat sa tulong ng Japan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong nagpasalamat  sa tulong ng Japan
Pinuri rin ng Pangulo ang Japan sa kakayahan nitong mabilis na makarekober sa mga pinsalang dulot ng kalamidad at isang halimbawa rito ay nang tumama ang bagyong Jebi.

MANILA, Philippines — Personal na nagpaabot ng pasasalamat si Pa­ngulong Duterte sa Japan kaugnay ng naging tulong sa Pilipinas nang manalasa ang bagyong Ompong sa bansa nitong nagdaang Setyembre.

Pinuri rin ng Pangulo ang Japan sa kakayahan nitong mabilis na makarekober sa mga pinsalang dulot ng kalamidad at isang halimbawa rito ay nang tumama ang bagyong Jebi.

Inihayag ni Pangulong Duterte na sa harap ng pagiging malapit sa peligro ng mga bansang nasa Southeast Asia dahil sa mga natural disasters bunga ng climate change, makakatulong ang Japan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries sa pamamagitan ng pamamahagi nito ng kanilang expertise hinggil sa mabilis na pagbangon pagkaraan ng mga delubyo.

Pinuri rin ni Pangulong Duterte ang Fukuda Doctrine na hanggang ngayon ay nakikita ang epekto sa iba’t ibang sectoral bodies ng ASEAN gaya ng human resource development and policy, public health, labor, social welfare at media information literacy.

Samantala, nasa Papua New Guinea na ang Pa­ngulo upang dumalo naman sa APEC summit mula ?Nov. 17-18 matapos itong dumalo sa 33rd ASEAN Summit sa Singapore.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with