^

Bansa

Kulong sa mga magbibilad ng palay sa kalye, binira

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kulong sa mga magbibilad  ng palay sa kalye, binira
Ayon kay Pangilinan, hindi magbibilad ng palay sa kalsada ang mga magsasaka kung sapat ang mga drying facilities.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Kinontra kahapon ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pagmumultahin at ikukulong ang mga magsasakang nagbibilad ng kanilang palay sa kalsada.

Ayon kay Pangilinan, hindi magbibilad ng palay sa kalsada ang mga magsasaka kung sapat ang mga drying facilities.

Naniniwala si Pangilinan na pag-alipusta sa mga magsasaka ang kautusan ng DPWH dahil bukod sa kawalan ng mga drying facilities marami rin ang hindi nakakaalam sa totoo nilang kalagayan.

Ipinunto ni Pangilinan na walang pagpipilian ang mga magsasaka kaya napipilitang magpatuyo sa mga kalsada.

“Kung merong public mechanical drying systems, lalo na yung gumagamit ng libreng solar energy, hindi magpapatuyo sa sementadong kalye ang mga magsasaka natin. Kasi alam nila na hindi ito efficient, na maraming naaaksayang palay,” dagdag ni Pangilinan.

Idinagdag ni Pangilinan na sa pag-aaral noong 2010, lumabas na 5.9% ng ani ng palay ang naaaksaya dahil sa hindi tamang pagpapatuyo.

Kinuwestiyon din nito kung nasaan na ang pangakong post-harvest facilities ng pamahalaan.

“Huwag pag-initan ang maliliit, solusyunan ang kanilang pangangailangan na hindi lang para sa kanila, kundi para sa ating lahat na pinapakain nila,” pagtatapos ni Pangilinan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FRANCIS “KIKO” PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with