^

Bansa

Military drill sa South China Sea baka mauwi sa giyera - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Military drill sa South China Sea baka mauwi sa giyera - Digong
Sinabi ng Pangulong Duterte sa media interview kahapon sa Singapore, na dapat tanggapin na ng lahat kabilang ng Estados Unidos na inaangkin ng China ang karagatan kung saan naroon na ang kanilang presensya.
News and Information Bureau

MANILA, Philippines — Mahigpit na nagbabala si Pangulong Duterte laban sa pagsasagawa ng military drills sa South China Sea.

Sinabi ng Pangulong Duterte sa media interview kahapon sa Singapore, na dapat tanggapin na ng lahat kabilang ng Estados Unidos na inaangkin ng China ang karagatan kung saan naroon na ang kanilang presensya.

Ayon kay Pangulong Duterte, anumang military activity sa South China Sea ay maaaring mag-udyok sa China na magbigay ng military response at mauwi sa giyera.

Iginiit ni Pangulong Duterte na wala siyang pakialam kung maggiyera ang mga bansa, pero katabi ng Pilipinas ang South China Sea o mga isla rito kaya ang ating bansa ang unang maaapektuhan at magiging kawawa.

“No because — it’s not military drills because I said China is already in possession. It’s now in their hands. So why do you have to create frictions — strong fri — military activity that will prompt a response from China?” wika ni Pangulong Duterte.

“I do not mind everybody going to war, except that the Philippines is just beside those islands. And if there’s a shooting there, my country will be the first to suffer. That’s my only in — that is my only national interest there. Nothing else,” sabi pa ng Pangulo.

Ang mga naging paha­yag ni Pangulong Duterte ay sa gitna na rin nang pagkumpirma ng Amerika na pagsasagawa ng “complex” warfare drills sa Philippine Sea.

Related video:

vuukle comment

DUTERTE IN SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with