^

Bansa

Vice mayor utas, anak na mayor kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Vice mayor utas, anak na mayor kritikal
Nagkalat ang mga bala sa crime scene sa Balaoan-Luna Road sa Balaoan, La Union kung saan tinambangan ang mag-amang mayor at vice mayor ng lungsod, kahapon ng umaga.
Jun Elias

Ambush sa La Union

MANILA, Philippines — Patay ang isang bise alkalde at security escort nito habang sugatan ang anak nitong babaeng alkalde at limang iba pa makaraang paulanan ng bala ng hindi pa nakila­lang mga armadong kalalakihan ang convoy ng mga ito sa highway ng Balaonan, La Union kahapon ng umaga.

Kinilala ni La Union Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr Supt. Ricardo Layug ang mga nasawi na sina Balaoan Vice Mayor Alfred Concepcion, 55 anyos at security escort nitong si Mike Ulep.

Samantala si Balaoan Mayor Atty. Aleli Concepcion, anak ni Vice Mayor Alfred ay patuloy namang isinasalba ang buhay sa pagamutan.

Ang mga ito ay unang isinugod sa Balaoan District Hospital bago inilipat sa Lorma Medical Center kung saan nasawi si Vice Mayor Concepcion habang dead on the spot naman si Ulep.

Sugatan din sa insi­dente sina Roderick Urpiano, Ronniel Valdez, Joey Lopez, Dominador Bautista at mga bystan­ders na sina Roberto Octavo, 58, tricycle driver at Marilou Dingle, 37.

Bandang alas-8:20 ng umaga, ayon sa opisyal nang mangyari ang pa­nanambang sa Balaoan-Luna provincial road sa Brgy. Cabauan, Balaoan habang bumabagtas ang Toyota Innova (AOG-966) na minamaneho ni Roniel Valdez na sinasakyan ng mag-ama. Sakay naman ang kanilang mga security escorts ng Hyundai Starex (SHZ-467) na minamaneho ni Joey Lopez at Rusi motorcycle na ang driver ay ang escort na si Ulep sa nasabing lugar.

Ayon sa opisyal, ga­ling sa kanilang tahanan at patungo na sa municipal hall ng Balaoan ang convoy ng mag-ama na kapwa reelectionist sa May 2019 midterm elections nang tamba­ngan ang mga ito ng mga armadong lalaki na lulan naman ng Toyota RAV 4.

Narekober ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng M16 rifles na ginamit ng mga salarin.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde ang imbestigasyon sa kasong ito at ipinaabot ang pakikiramay sa pamilya Concepcion.

“ I have directed the Regional Director of PRO-1, Chief Superintendent Romulo Sapitula to extend all possible assistance to the Concepcion family even as I assure them of the availability of PNP resources personnel for a speedy and tho­rough investigation of this incident,” ani Alba­yalde habang binigyan na ng karagdagang security escort si Mayor Aleli.

Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group (SITG) upang ma­pabilis ang pagresolba sa krimen.

Magugunita na nitong Oktubre ay napatay rin sa ambush si Mayor Ale­xander Buquing sa Sudipen, La Union.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with