Ayon kay Sen. Sonny Angara, awtor ng natu­rang batas, buung-buo nang maiuuwi ng mga empleyado sa pampubliko at pribadong tanggapan ang kanilang bonus sa kani-kanilang pamilya, at tiyak na makadaragdag ito sa panggastos para sa Kapaskuhan at bagong taon.
Bonus, 13th month pay mas malaki
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2018 - 12:00am

Tax free na – Sen. Angara

MANILA, Philippines — Simula ngayong taon, hindi na papatawan ng tax ang Christmas bonus, 13th month pay at iba pang insentibong hindi lalampas sa P90,000 alinsunod sa Republic Act 10963.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, awtor ng natu­rang batas, buung-buo nang maiuuwi ng mga empleyado sa pampubliko at pribadong tanggapan ang kanilang bonus sa kani-kanilang pamilya, at tiyak na makadaragdag ito sa panggastos para sa Kapaskuhan at bagong taon. 

Matatandaan na noong 2015, si Angara ang unang nagsulong na ilibre sa buwis ang 13th month pay at iba pang benepisyo na ‘di tataas sa P82,000. 

Bago naisabatas ang RA 10653 tatlong taon na ang nakararaan, tanging ang mga bonus lamang na ‘di tataas sa P30,000 ang libre sa buwis. 

Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Budget and Management na matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang 13th month pay ngayong Nobyembre 15, habang ang mga private employees naman ay tatanggap ng katulad ng benepisyo bago mag-Disyembre 24. 

Ayon sa batas, ang 13th month pay ay kailangang katumbas ng one-twelfth (?1/12) ng kabuuang sweldo ng isang empleyado.  

Dahil dito, pinaalala­han din ni Angara ang mga employer na pagkalooban ng 13th month pay ang kani-kanilang rank-and-file employees anuman ang kanilang nature of employment, basta’t sila ay nakapagtrabaho nang kahit isang buwan sa loob ng isang taon. 

“Hindi lamang mga regular na empleyado ang dapat makakuha ng 13th month pay. Kahit mga contractual, casual, fixed term, probationary, seasonal employees ay dapat din makatanggap ayon sa ating Labor Code,” sabi ni Angara na kilalang kampeon ng labor reforms at nangunguna sa pagsusulong ng disenteng trabaho para sa bawat Pilipino.

CHRISTMAS BONUS SONNY ANGARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with