^

Bansa

Malawakang blackout namumuro

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Malawakang blackout namumuro
Nauna nang sinabi ni Atty. Inocencio Ferrer, abogado ng PECO, na ang Kamara at Senado ang dapat sisihin ng mga residente sa mararanasang citywide blackout dahil sa hindi pagre-renew ng kanilang prangkisa.

Sa tigil operasyon ng PECO

MANILA, Philippines — Namemeligrong magkaroon ng malawakang blackout sa Ilo­ilo matapos magbanta ang Panay Electric Company (PECO) ititigil ang kanilang operasyon sa Enero 19 ng susunod na taon kung hindi mare-renew ang kanilang congressional franchise.

Nauna nang sinabi ni Atty. Inocencio Ferrer, abogado ng PECO, na ang Kamara at Senado ang dapat sisihin ng mga residente sa mararanasang citywide blackout dahil sa hindi pagre-renew ng kanilang prangkisa.

Subalit bwelta ng mga residente doon na walang dapat sisihin sa sinapit ng PECO kundi ang pamunuan nito na sa loob ng 95 taong operasyon ay hindi nagawang imodernisa at isabay sa panahon ang kanilang pasilidad na nagresulta sa madalas na inirerek­lamong brownout at mababang kalidad na serbisyo.

Inaprubahan ng Kamara at Senado ang legislative franchise ng MORE Power and Electric Company na mag-o-operate bilang distribution utility sa Iloilo kasabay ng pagkwestyon sa prangkisa ng PECO.

Nanatiling nakabin­bin sa House Committee on Legislative Franchise ang franchise renewal application ng PECO subalit tinututulan ito ng Iloilo City Council at may 25,000 residente ang nakapirma sa “No to PECO” petition sa dahilang sa mahabang pamahon ay hindi napagbuti ng utility firm ang serbisyo nito.

Sa naging pagdinig ng Senado noong Oct. 22, 2018 na isinagawa ng Committee Public Services ni Sen. Grace Poe ay nadiskubre rin na nag-ooperate amg PECO ng walang legislative franchise na malinaw na paglabag sa EPIRA law. 

Nanindigan naman Department of Energy na wala silang nakikitang problema sakaling hindi ma-renew ang PECO at bigyan ng bagong prangkisa ang ibang utility firm.

Binigyang katiyakan din ng DOE at Energy Regulatory Commission na mananatiling maayos at walang antala sa supply ng kuryente sa Iloilo City.

vuukle comment

PANAY ELECTRIC COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with