^

Bansa

Imelda ikulong na!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Imelda ikulong na!
Nagsagawa ng programa ang grupong Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) sa harapan ng gusali ng Sandiganbayan sa Quezon City bilang protesta sa umano’y delay na warrant of arrest laban sa kongresista.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nag-rally ang mga anti-Marcos group sa harap ng Sandiganbayan para hikayatin ang korte na maglabas na ng arrest warrant laban kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Nagsagawa ng programa ang grupong Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) sa harapan ng gusali ng Sandiganbayan sa Quezon City bilang protesta sa umano’y delay na warrant of arrest laban sa kongresista.

Sinabi ni Trinidad Herrera-Repuno, chairperson ng SELDA, bagamat welcome sa kanila ang guilty verdict laban kay Imelda, ay dapat umanong ipa­tupad ang hustisya at makulong siya.

Sumali rin sa pagtitipon ang ibang biktima ng martial law tulad ni Felix Dalisay na umano’y nakaranas ng torture.

Para kay Dalisay, masakit para sa kanya na makitang nagsasaya si Marcos sa kanyang kalayaan sa kabila ng guilty verdict ng Sandiganbayan para sa pitong bilang ng kasong graft.

Nangako ang grupo na hindi sila titigil hanggang walang hustisya at hindi natitikman ng dating unang ginang ang buhay sa loob ng bilangguan.

Matatandaan na hi­na­­tulan ng 40 taong pag­­kakakulong ng Sandiganbayan si Marcos at perpe­tual disqualification para makapasok sa anumang posisyon sa gobyerno dahil sa umano’y paglaan ng pondo sa pitong Swiss  based foundations para sa umano’y benepisyo ng kanyang pamilya.

Related video:

vuukle comment

IMELDA MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with